top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kelot dedbol sa kuryente

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 17, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 17, 2023



ILOILO—Isang 18-anyos na binata ang namatay nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Salngan, Passi City sa lalawigang ito.


Kinilala ang biktima na si Marvin Carleti, residente ng nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, ilang residente ang nakatagpo kay Carleti na nangingisay sa loob ng tindahan ng kanyang tiyuhin.


Nang alamin kung ano ang nangyari sa binata ay dito lang nabatid na nakuryente ang biktima.


Agad dinala ng mga residente ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page