@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 21, 2024
QUEZON -- Isang 55-anyos na lalaki ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili, kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Poblacion 1, Sariaya sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng pamilya ay hindi na pinangalanan ang biktima na residente ng nasabing barangay.
Nabatid na ilang kamag-anak ng biktima ang nakatagpo sa nakabiting bangkay nito sa loob ng kanilang bahay.
Ayon sa pamilya ng biktima ay wala silang alam na dahilan para mag-suicide ito.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.
Comentários