Kelot binoga ng senglot na ex-cop
@Balitang Probinsiya | Pebrero 24, 2023
AKLAN—Isang lalaki ang sugatan nang barilin ng isang lasing na dating pulis kamakalawa sa Brgy. Cayangwan, Makato sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng isang tama ng bala sa kanang tuhod ay nakilalang si Rafael Tambong, 49, samantalang ang suspek ay si retired policeman Dennis Tordecillas, 59, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang naglalakad si Tambong ay nakasalubong nito ang lasing na si Tordecillas at sa hindi malamang dahilan ay binaril ng suspek ang kanang tuhod ng biktima.
Dahil dito, agad humingi ng tulong sa pulisya si Tambong kaya dinakip ng mga awtoridad si Tordecillas, pero hindi nakumpiska ang baril.
Ginagamot na ngayon sa ospital ang biktima, samantalang sinampahan na ng pulisya ng kasong attempted homicide ang suspek.



Comments