top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kelot, binoga ng ex-sekyu

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 11, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 11, 2021



CAPIZ—Isang lalaki ang sugatan nang barilin ng dating security guard kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Sapian.


Nakilala ang biktimang nagtamo ng tig-isang tama ng bala sa tiyan at kamay na si Eduardo Parohinog, samantalang ang suspek ay si Quirico Gerapista, kapwa residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nakikipag-inuman si Parohinog sa kanyang kaibigang si Ronel Varnal ay biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos ang pamamril ay mabilis na tumakas ang suspek.


Kaagad dinala ng mga residente si Parohinog sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page