top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kelot at bebot tiklo sa drug-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 17, 2023


LAGUNA—Isang lalaki at isang babae ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Lecheria, Calamba City sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang dalawang suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad sa himpilan ng pulisya.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad sa nabanggit na barangay kaya nadakip ang dalawang suspek.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 5.2 gramo ng shabu at markadong pera pag-iingat ng dalawang drug pusher.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad sa naturang lugar.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page