top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Kelot, arestado sa ‘sextortion’

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 10, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 10, 2024

MISAMIS OCCIDENTAL -- Isang binata ang dinakip ng mga otoridad matapos na ireklamo ng “sextortion” ng dati niyang nobya kamakalawa sa Ozamis City sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek na nasa hustong gulang habang inihahanda ang mga kaukulang kaso laban sa kanya.


Ayon sa ulat, matapos makipag-break ang dalagang itinago sa pangalang “Riza”, nasa hustong gulang, ay nag-chat ang suspek sa dalaga na magkita umano sila para magtalik.


Nabatid na tumanggi si “Riza” at dahil dito ay nagbanta ang suspek na may ipu-post siya sa social media na hindi magugustuhan ng dalaga.


Dahil dito, inireklamo ni “Riza” sa pulisya ang suspek kaya nagsagawa ng entrapment operation ang mga otoridad na naging dahilan upang maaresto ang binata na nahaharap sa kasong may kinalaman sa cybercrime.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page