top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kelot arestado sa patalim

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 14, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 14, 2023



PALAWAN—Isang 19-anyos na binata ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiskahan ng isang patalim kamakalawa sa Bgy. Irawan, Puerto Princesa City sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Marvin Dayundon, residente sa nabanggit na barangay.


Nabatid na may nag-report sa himpilan ng pulisya tungkol sa suspek na may dalang patalim habang gumagala sa nasabing barangay.


Dahil dito, agad rumesponde ang mga awtoridad kaya nadakip ang suspek at nakumpiska dito ang isang kutsilyo.


Kusang sumama naman sa pulisya ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong illegal possession of deadly weapon.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page