Kelot arestado sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | March 7, 2023
ALBAY—Isang 40-anyos na lalaki ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. San Vicente, Tabaco City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Jayson Arevalo, residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang pagbentahan sila ng droga ng suspek ay dito na agad dinakip ang drug pusher.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 0.62 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments