Kelot arestado sa boga
@Balitang Probinsiya | March 2, 2023
CAMARINES NORTE—Isang lalaki ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiskahan ng isang baril kamakalawa sa Bgy. San Pascual, Basud sa lalawigang ito.
Itinago muna ng pulisya ang suspek sa alyas na "Andoy" nasa hustong gulang, habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
Nabatid na may nag-report sa himpilan ng pulisya tungkol sa suspek na may nakasukbit na kalibre .38 revolver habang gumagala sa nasabing barangay.
Dahil dito, agad rumesponde ang mga awtoridad kaya nadakip ang suspek at nakumpiska rito ang isang kalibre .38 revolver na may kargang mga bala.
Kusang sumama naman sa pulisya ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments