Kelot, arestado sa air gun
- BULGAR
- Sep 3, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 3, 2023
NUEVA ECIJA -- Isang lalaki ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng isang air gun kamakalawa sa Bgy. Sto. Tomas, San Jose City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Joel Orea, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakita ng mga nagpapatrulyang tauhan ng pulisya si Orea na naglalakad habang may dalang baril at nang sitahin ay napag-alaman na air gun ang dala nito.
Nang hanapan ng dokumento mula sa Comelec para sa dala niyang air gun ay walang naipakita ang suspek.
Dahil dito, dinakip ng mga awtoridad si Orea at sinampahan ng kasong paglabag sa Comelec gun ban.



Comments