Kawatan ng helmet, nasakote
@Balitang Probinsiya | May 1, 2023
CAMARINES SUR—Isang magnanakaw ng helmet ang nadakip ng mga pulisya, kamakalawa sa Naga City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Anthony Velasco, nasa hustong gulang at residente ng Bgy. Del Rosario, Canaman sa nasabing lalawigan.
Dinakip ng pulisya ang suspek matapos itong mahuli sa akto na nagnanakaw ng mga helmet sa mga nakaparadang motorsiklo sa isang establisimyento sa lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtodad ng tatlong nakaw na helmet sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya at sinampahan na siya ng kasong qualified theft.



Comments