top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kawatan, dedbol sa kuryente

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 1, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 1, 2023


CAMARINES SUR -- Isang magnanakaw ang namatay nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Dinaga, Naga City sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad.


Nabatid na ilang residente ang nag-report sa mga awtoridad tungkol sa natagpuan nilang bangkay.


Sa pagsisiyasat ng pulisya ay napag-alamang nakuryente ang suspek habang ninanakaw ang kawad ng kuryente sa nasabing lugar.


Ayon sa ulat, ang suspek ay may mga record ng pagnanakaw ng mga kable ng kuryente sa naturang lungsod.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page