top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kawani ng munisipyo, pinatay

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 12, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 12, 2020



PANGASINAN—Isang kawani ng munisipyo ang napatay nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. San Jose, San Jacinto.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Ofelia Castillo, empleyado ng Human Resource Department ng San Jacinto Municipal Hall.


Ayon sa ulat ng pulisya, nakasakay sa tricycle si Castillo papasok sa munisipyo ng sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo ng suspek sa pagpatay kay Castillo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page