top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kawani ng LGU niratrat

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 12, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 12, 2023



MAGUINDANAO DEL NORTE—Isang kawani ng local government unit (LGU) ang namatay nang barilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa SPDA compound, Datu Odin Sinsuat sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Faizal Malaguiok, empleyado ng Cotabato City Hall.


Ayon sa ulat, nakatayo umano si Malaguiok sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Nang matiyak na patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page