top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kasambahay tiklo sa pagnanakaw

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 23, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 23, 2023


PALAWAN—Isang kasambahay na bading na nagnakaw ng P11,000 cash sa kanyang amo ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Brgy. San Manuel, Puerto Princesa City sa lalawigang ito.


Itinago muna ng pulisya ang suspek sa alyas na "Mani" nasa hustong gulang.


Ayon sa hindi pinangalanang amo ni "Mani" ay nawala ang kanyang P11,000 cash sa loob ng kanyang bahay at nawawala rin ang suspek kaya't ini-report niya ito sa pulisya.


Agad nagsagawa ng follow-up operations ang mga awtoridad kaya nadakip ang suspek sa naturang barangay.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya at sinampahan na siya ng kasong qualified theft.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page