Karpinterong gumahasa sa anak natiklo
@Balitang Probinsiya | April 23, 2023
BATANGAS—Isang 40-anyos na karpintero na gumahasa sa kanyang menor-de-edad na anak ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Sapa, San Juan sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kasong panggagahasa nito sa kanyang anak.
Nabatid na may nagbigay impormasyon sa pinagtataguan ng suspek kaya rumesponde ang mga operatiba na naging dahilan upang madakip ang rapist.
Kusang sumama naman sa pulisya ang suspek at sa ngayon ay nakapiit na siya sa himpilan ng pulisya.



Comments