top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Karpintero, tinodas ng 2 armado

Writer: BULGAR
BULGAR
May 25, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 25, 2023


NEGROS ORIENTAL—Isang karpintero ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Calupaan, Guihulngan City sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Eduardo Balansag, 47-anyos, nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, habang gumagawa ng bahay si Balansag ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Balansag.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page