Karpintero tinodas
@Balitang Probinsiya | April 14, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang karpintero ang namatay nang barilin ng mga hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Mani-ak, Guihulngan City sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Armando Babor, 33, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanilang bahay si Babor ay biglang pumasok ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga salarin.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek.



Comments