top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Karpintero tinepok ng tindero

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 16, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | April 16, 2023


AKLAN—Isang karpintero ang sinaksak at napatay ng isang tindero, kamakalawa sa Bgy. Lupo, Altavas sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng tig-isang tama ng saksak sa leeg at dibdib ay si Leo Belarmino, 50-anyos, samantalang ang suspek ay si Rosel Fojas, 26, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa pulisya, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo sina Belarmino at Fojas na humantong para pagsasaksakin ng salarin ang biktima.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nabatid na sinampahan na ng pulisya si Fojas ng kasong murder.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page