Karpintero, patay sa kuryente
@Balitang Probinsiya | November 30, 2021
DAVAO DEL SUR—Patay ang karpintero nang makuryente kamakalawa sa bayan ng Magsaysay.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Gerardo Quinones, 48-anyos at nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, habang nagkakabit umano ng yero sa bubong ng commercial building si Quinones ay napahawak ito sa live wire.
Nabatid na sa lakas ng boltahe ng kuryente ay nagkaroon ng 3rd degree burns sa katawan ang bikitima.
Kaagad dinala ng kanyang mga kasamahan sa trabaho si Quinones sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments