top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Karpintero, kinatay ng kapitbahay

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 14, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 14, 2023



AGUSAN DEL SUR -- Isang karpintero ang namatay nang pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay kamakalawa sa Bgy. Poblacion Area, Trento sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Jeno Palencia, at ang suspek ay si Pelchie Dela Torre, kapwa nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing bayan.


Ayon sa pulisya, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Palencia at Dela Torre hanggang maglabas ng patalim at pinagsasaksak ng suspek ang biktima.


Nabatid na dahil sa rami ng tinamong tama ng saksak sa katawan ay namatay ang biktima sa pinangyarihan ng krimen.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page