top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Karnaper sa Capiz, timbog sa Iloilo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 22, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | November 22, 2021


ILOILO--Isang lalaking wanted na karnaper sa Capiz ang dinakip ng pulisya kamakalawa sa Lauog, Maasin.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Stephen Manate, 27-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong carnapping sa Capiz.


Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa kinaroroonan ni Manate kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na ito sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page