Karnaper dedbol sa shootout
@Balitang Probinsiya | November 4, 2022
NUEVA ECIJA—Isang karnaper ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Dionisio S. Garcia, Cabanatuan City.
Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Crisanto Reyes, nasa hustong gulang at residente ng naturang lalawigan.
Nabatid na akmang darakpin si Reyes kaugnay sa ginawa nitong pagnanakaw sa motorsiklo, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang operatiba.
Dahil dito, mabilis na gumanti ng putok ang operatiba, kaya napatay ang suspek.
Samantala, nakarekober naman ang awtoridad ng baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.



Comments