Karnaper, arestado
Dec 23, 2021
1 min read
@Balitang Probinsiya | December 23, 2021
AKLAN—Inaresto ng pulisya ang isang karnaper kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Libacao.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Rejie Francisco, 18-anyos at residente ng nabanggit na bayan.
Nabatid na dinakip ng pulisya si Francisco dahil sa ginawa nitong pagtangay sa motorsiklo ng biktimang si Paterno Ruiz, nasa hustong gulang at nakatira rin sa nasabing bayan.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong carnapping.



Comments