top of page
Pokwang.jpg

Karatula ng checkpoint binangga, driver tiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 26, 2021



PANGASINAN—Isang driver ang dinakip ng mga awtoridad nang banggain ng minamaneho nitong tricycle ang karatula sa police checkpoint kamakalawa sa Bgy. Bulingit, San Carlos City.


Pansamantalang hindi pinangalanan ang suspek habang inaalam pa ng mga awtoridad kung may criminal record ito sa pulisya.


Ayon sa ulat, habang nagmamando ng checkpoint ang mga awtoridad ay napadaan dito ang tricycle na minamaneho ng suspek.


Napag-alamang imbes na huminto ay binangga ng minamanehong tricycle ng suspek ang karatula sa police checkpoint at dahil dito ay tinugis siya ng mga awtoridad at dinakip.


Nakatakdang sampahan ng pulisya ng patung-patong na kaso ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page