Kapuso bossing, nagsalita na… SARAH, WELCOME NA WELCOME SA GMA-7
- BULGAR

- Aug 13, 2020
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 13, 2020

Tahasang inamin ng GMA boss na si Ms. Annette Gozon na gusto niyang maging Kapuso artist si Sarah Geronimo. Pero, pinabulaanan niya ang kumalat na nakita sa GMA-7 building ang Pop Royalty kamakailan pagkatapos magsara ang ABS-CBN.
Ibinahagi ni Atty. Trixie Cruz-Angeles ang chat nila ni Ms. Annette.
“Sara G. fans. Hindi daw yata, sabi ng unimpeachable source ko. Maybe in the future. Cross fingers na lang muna," sabi nito kasunod ang palitan nila ng mensahe na ganito ang mababasa…
Ms. Annette: “Hindi yata… hahaha.”
Atty. Trixie: “Kainis… (tampo).”
Ms. Annette: “But who wouldn’t want to have Sarah right? Hehe. Sana, in the future.”
Atty. Trixie: “Ayan… may hope kahit paano.”
Naging usap-usapan sa showbiz circle ang paglipat ni Sarah nang sabihin ng GMA writer na si Suzette Doctolero na very welcome ang mga Kapamilya artists to become a Kapuso.
“Inuulit ko ulit, welcome na welcome po si Sarah Geronimo sa GMA-7.”
Hanggang ngayon ay wala pang komento ang singer-actress sa mainit na isyu tungkol sa kanya.





Comments