top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kapalaran ng seaman na pinauwi sa ‘Pinas dahil sa pandemya

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 17, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| November 17, 2020




KATANUNGAN

  1. Ang problema ko ngayon ay tungkol sa aking career o hanapbuhay. Namumroblema ako dahil dati na akong nag-seaman, pero napauwi ako dahil sa COVID-19 pandemic. Kaya ngayon ay nasa bahay lang ako at nakatambay. Hindi ko alam kung kailan ako tatawagan ng agency, pero may balita na baka sa 2021 na kami tawagan para muling makasampa sa barko.

  2. Naisipan kong sumangguni sa inyo, Maestro, upang malaman kung kailan ulit ako makakabalik sa barko. Magkakatotoo bang sa 2021 ay makakasampa na kami ulit? Sa ngayon ay paubos na ang savings namin ng misis ko at talagang hirap na hirap na kami sa buhay.

KASAGUTAN


  1. ‘Wag kang mag-alala, Arthur, sapagkat kitang-kita ang malinaw at malawak na ikalawang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, na ibig sabihin ay basta patuloy kang umasa at ‘wag panghihinaan ng loob, kaunting paghihintay at tiyaga pa, tiyak ang magaganap — sa ikalawang pagkakataon, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa na muling itatala sa iyong kapalaran. Ito ay madali namang kinumpirma ng pumangit pero gumanda uling lagda, na nangangahulugang pansamantala lang papangit ang iyong kapalaran o career, pero dahil gumanda ulit ang pagkakasulat nito, tulad ng nasabi na, muling gaganda ang iyong kapalaran, lalo na sa larangan ng career at propesyon, partikular ang hanapbuhay mong pagsi-seaman.

  2. Ang mga datos sa itaas ay nagpapatunay ding kung nakapag-abroad o nakapag-barko ka na noon, at ‘yun naman talaga ang nangyari, (Drawing A. at B. t-t arrow a.) tiyak na may ikalawang pag-a-abroad at ito ay madali namang kinumpirma ng maganda at maayos ding Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, habang nagkakaedad ka, matapos ang pansamantalang pagkabakante, sa susunod na taon o 2021, paganda nang paganda ulit ang career mo at lalo pang gaganda at sasagana ang iyong karanasan sa edad mong 34 pataas.


DAPAT GAWIN

Muli, Arthur, ang mahalaga ngayon ay ‘wag kang mawalan ng pag-asa. Sa halip, magtiyaga-tiyaga ka lang sa kahihintay dahil sa sandaling bahagya nang naging normal ang sitwasyon ng pandemya, sa susunod na taon, humigit-kumulang sa buwan ng Setyembre o Oktubre, may ikalawang mas mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong karanasan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page