Kandidato sa Bgy. Election, tinodas
- BULGAR
- Sep 9, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 9, 2023
NORTH COTABATO -- Isang kandidato sa pagka-kagawad ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Takepan, Pikot sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo ay nakilalang si Rhoyden Flores, nasa hustong gulang at residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nakatayo si Flores sa harap ng isang tindahan ay biglang sumulpot ang suspek at agad binaril sa ulo ang biktima.
Mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na si Flores.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.



Comments