Kandidato sa bgy. election, nilikida
@Balitang Probinsiya | October 11, 2023
SAMAR -- Isang kandidato sa barangay election ang namatay sa pang-a-ambush at pamamaril ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Casab-ahan, Gandara sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Roldan Pesidas, nasa hustong gulang at kandidato sa pagka-kagawad sa Bgy. Canhawan Gote, Catbalogan City sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Pesidas ang kanyang motorsiklo ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.



Comments