top of page

Kamador ng ROS, uubra kaya sa tirador ng Gins?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 8, 2024
  • 2 min read

ni Clyde Mariano @Sports | March 8, 2024





Matapos ang ilang araw na pahinga para bigyang daan si coach Tim Cone na hawakan at dalhin sa panalo ang Gilas Pilipinas laban sa Hong Kong at Chinese-Taipei sa 2024 FIBA Asia qualifying, muling babalik ang multi-titled coach sa hardcourt na gagabayan ang Barangay Ginebra laban sa Rain or Shine at target ng North Port ang pangalawang sunod na panalo laban sa debuting Phoenix ngayong Biyernes sa PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.


Haharapin ng Gin Kings ang Elasto Painters ng 7:30 pm matapos ang 4:30 pm na sagupaan ng Batang Pier at LPG Fuel Masters. Lamang sa billing ang Gins dahil malalim ang bench at nasa kanila ang twin towers na sina Japeth Aguilar at and deadly trio na sina Scottie Thompson, Stanley Pringle at Jamie Malonzo katuwang sina Maverick Ahanmisi, Aljon Mariano at Nard John Pinto.


Sina Thompson at Malonzo ay kasama sa Gilas Pilipinas na nanalo sa SEA Games at Asian Games. Hindi pa rin dapat magsiguro at magkumpiyansa ang Kings sa kanilang laro sa RoS. Kailangang maglaro sila nang husto at gamitin ang buong puwersa para makuha ang unang panalo sa Second Conference All-Filipino Cup hawak ng newly crowned Commissioner’s Cup champion San Miguel Beer. “We have to play our best out there to ensure victory,” sabi ni Cone.  “Rain or Shine is strong and tough to beat. The only win is to play cohesive and play as a team.”


Mababa ang morale ng RoS kontra Gins dahil natalo ang Painters sa unang laro sa Meralco Bolts sa overtime, 121-117. Pipilitin ni coach Yeng Guiao ng ROS na manalo.


Habang sa laro ng North Port at Phoenix ay underdog ang Batang Pier sa LPG Fuels.


Comentarii


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page