Kalansay nahukay ng farm worker
@Balitang Probinsiya | October 29, 2022
BATANGAS—Isang kalansay ng tao ang nahukay at natagpuan ng farm worker kamakalawa sa masukal na lugar sa Bgy. Sto. Toribio, Lipa City.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad kung sa lalaki o babae ang natagpuang kalansay.
Nabatid na hindi pinangalanang farm worker ang nakatagpo sa nasabing kalansay.
Ayon sa ulat, habang naghuhukay ang farm worker ng paglilibingan ng namatay na biik ay nahukay nito ang kalansay ng tao.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa pagkakakilanlan ng kalansay ng tao.



Comments