top of page

Kahulugan ng namasyal sa Laguna De Bay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 5, 2024
  • 1 min read

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | September 5, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dolores ng Laguna.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na namasyal ako sa Laguna de Bay. 


Ang ganda pagmasdan ng mga sariwang halaman, berdeng-berde ang mga dahon roon, at maski ang mga damo ay basa pa ng hamog.


Habang naglalakad ako, sa‘di kalayuan, may natanaw akong maruming tubig at puro putik. 

Maya-maya ay nakakita naman ako ng mga tupa sa paligid.


Ano ang ibig ipahiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Dolores 



Sa iyo, Dolores,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na namasyal ka sa Laguna de Bay ay kaligayahan at tagumpay sa iyong buhay. Susuwertehin ka sa negosyo at igagalang ka sa inyong lugar.


Magiging masaya rin ang iyong love life, may tsansa ka pang pakasalan ng lalaking itinitibok ng iyong puso. 


Subalit ang sabi mo ay naglakad ka, at nakakita ka ng maruming tubig, ito ay babala ng kaguluhan at ‘di pagkakasundu-sundo.


Samantala, ang may nakita kang mga tupa sa paligid ay nangangahulugan na ang mapapangasawa mo ang isang lalaking mabait, mahinahon magsalita, may pagtitimpi sa sarili at malawak ang pananaw sa buhay. Ito rin ay tanda na magiging malusog ang mga anak n’yo at sila rin ang magbibigay sa inyo ng karangalan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna






Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page