Kahulugan ng nag-swimming sa bagong pool
- BULGAR
- Jan 8, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 8, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gilbert ng Malabon City.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nag-swimming ako sa bagong gawang pool sa subdivision namin. Pagkatapos kong mag-swimming ay uminom ako ng tea.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Gilbert
Sa iyo, Gilbert,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nag-swimming ka sa bagong gawang pool sa subdivision n’yo ay depende kung nakalubog ang ulo mo habang nagsu-swimming o nakataas ang ulo mo sa tubig. Kung nakalubog ang ulo mo habang nagsu-swimming ka, ito ay nangangahulugan na madadamay ka sa gulo. Kung nakaangat naman ang ulo mo sa tubig, ito ay nagpapahiwatig na magtatagumpay ka sa mga binabalak mong gawin.
Samantala, ang uminom ka ng tea pagkatapos mong mag-swimming ay nangangahulugan na may darating na pangyayari sa buhay mo na labis mong ipag-aalala. Subalit kung mag-iingat ka, magiging matalas ang iyong pakiramdam at lalawakan ang iyong isipan ay maiiwasan mo ito.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna



Comments