Kahulugan ng madalas mapanaginipan ang erpat
- BULGAR
- May 18, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 18, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Trixie ng Bulacan.
Dear Maestra,
Magandang araw sa inyo. Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan.
Madalas kong mapanaginipan ang tatay ko. Halos gabi-gabi ay napapanaginipan ko siya.
Ano ang ibig ipahiwatig ng panaginip ko?
Naghihintay,
Trixie
Sa iyo, Trixie,
Kung palagi mong napapanaginipan ang tatay mo, maganda ang ipinahihiwatig nito. Nangangahulugan ito na lahat ng gugustuhin mo ay mapasasaiyo. Magiging magaan ang pasok ng mga transaksiyon sa buhay mo. Gayundin, lahat ng pinaplano mo ay matutupad. ‘Yan ay kung buhay pa ang ama mo.
Gayunman, hindi mo nabanggit kung patay na siya o buhay pa sa kasalukuyan. Kung patay na ang ama mo, ibig sabihin ay masasangkot ka sa gulo kung saan isa sa malapit mong kamag-anak ang tutulong sa iyo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments