Kahulugan ng lumabas at naglakad-lakad
- BULGAR

- Aug 21, 2024
- 1 min read
ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 21, 2024
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na naisipan kong lumabas ng bahay kahit gabi na. Naglakad-lakad ako hanggang sa makaramdam ako ng pagod. Matapos nu’n ay umuwi na ‘ko at natulog. Pero, binangungot naman ako habang natutulog.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Jonathan
Sa iyo, Jonathan,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naisipan mong lumabas ng bahay kahit gabi na, at naglakad-lakad ka hanggang sa makaramdam ka ng pagod ay hindi mo agad makikita ang resulta ng iyong pagpupunyagi sa buhay. Made-delay ang mga pinaplano mo, at ‘di ka magkakaroon ng mga sagabal.
Samantala, ang umuwi ka na upang matulog pero binangungot ka ay nangangahulugan na nasa ilalim ka ng impluwensiya ng ibang tao. Hindi ka makatanggi-tanggi sa mga inuutos. Dapat kang gumawa ng paraan para makaiwas sa taong iyon. Dahil kung hindi, baka lalo lamang maging miserable ang buhay mo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna






Comments