top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kahulugan ng hirap magpedal at tumaya sa sabong

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 19, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 19, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ador ng Zambales.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na sumakay ako sa bisikleta ko. Sa simula ay hirap na hirap akong magpedal ng bisikleta, pero kalaunan ay magaan ko na itong napedal. Tapos, pumunta ako sa sabungan, tumaya ako at nanalo.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Ador


Sa iyo, Ador,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na sumakay ka sa bisikleta at sa simula ay nahirapan kang magpedal ay may magtatangkang sumira ng reputasyon mo. Habang sa bandang huli ay magaan mo nang napedal ang bisikleta, ito ay nangangahulugang may kakaharapin kang gawain na hindi gaanong madali, sa halip, may mga paghihirap at pagtitiis ka pa ring pagdadaanan bago mo makamit ang tagumpay.


Samantala, ang tumaya ka sa sabong ay nangangahulugan na may pagdadaanan kang pagsubok kung saan nanganganib ang iyong kaligtasan at kabuhayan.


Ang nanalo ka sa sabong ay kabaligtaran ang kahulugan. Makakaranas ka ng pagkalugi sa negosyo at posibleng maghirap ka sa kasalukuyan mong pamumuhay.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page