top of page

Kahit nahaharap sa pandemya at hirap ang buhay... 6 paraan para magpasalamat sa bawat

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 12, 2021
  • 2 min read

biyayang natatanggap.


ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 12, 2021


ree

Kahit pandemic ngayon at nahaharap sa krisis, marami pa rin tayong dapat na ipagpasalamat lalo na kung sa iyong mga dasalin ay nakatatanggap ka ng mga biyaya at pagpapalang malusog na pangangatawan. Kung noon maraming tao ang biniyayaan na’t lahat, pero hayun nagagawa pang magreklamo sa buhay, parang walang kakuntentuhan. Heto ang tips para sa ganyang uri ng attitude kung nais mong baguhin.


1.PASALAMATAN ANG SARILI. Isipin ang lahat ng bagay na iyong nagawa, tulad ng pagbibigay ayuda sa kapwa o iba pang mahal sa buhay. Isipin at damhin na dapat kang magpasalamat, pero bakit hindi mo yata nagagawa. Tapos ay isulat ang mga ito. Pasalamatan ang sarili dahil nakagawa ka nang mabuti at ito ang unang nasa isip mo ngayong panahon ng krisis. Tapos ay basahin ang listahan muli at maging mapagpasalamat na nagawa mo na pala. Tapos ay isipin at damhin ang bawat isa.


2.Gumawa ng petsa sa pagsasabi ng pasasalamat. Pumili ng araw at markahan ito sa iyong kalendaryo. Ito ang araw na maaari mong sabihin ang salitang Salamat kahit kanino na may mabuting nagawa sa iyo. Oo, kahit na sa isang agwador. Kahit na sa isang delivery rider na naghatid sa iyo ng pagkain ay magpasalamat ka. At kapag nagsasabi ka ng “Salamat ng marami,” damhin ng totoo ang kahulugan. Tapos sa susunod na araw ay sabihin na, “I appreciate it,” sa halip na salamat na. Damhin ang ibig sabihin nito, sa bawat oras na sinasabi mo ito.


3.Pag-aralan ang lahat ng mga kaibigan at ang kanilang buhay. Tapos ay isipin, kung ano ang iyong dapat na i-appreciate sa kanila. I-appreciate sila, anumang tagumpay o mga bagay na mayroon sila. Kung nakabili siya ng bagong sasakyan, o lote, may mabait at mapagsuporta kasi siyang asawa, ipagpasalamat mo iyon. I-appreciate mo na naging kapitbahay mo sila at nakikita mo silang mag-asawa na sweet na sweet.


4.Tanggapin ang anumang bagay na mayroon ka. Isulat ang magagandang bagay na nangyayari sa iyo, positibong pakiramdam at matalinong pag-iisip na mayroon ka. Pagmuni-munihin ito at tanggapin ang kahulugan nito sa iyo. Tanggapin ang sinumang tao na hihingi ng tulong sa iyo lalo na sa kagipitan. Ngayong pandemic, ikaw na pinakamasuwerte, maraming pera, malusog at ligtas sa COVID-19 ay dapat maging bahagi ng iyong araw-araw na gawain sa buhay ay ang tumulong.


5.Kapag nasa isang sitwasyon ka o harap ng mga tao na walang iniintindi, tingnan kung saang bagay o bahagi ka dapat magpasalamat.


6.Kung magagawa mong makakausap ang mga taong hindi mo dati iniintindi sa paggawa ng mga hakbangin na nabanggit,palawakin mo pang mabuti ang mga dahilan kung bakit kailangan kang magpasalamat, at i-appreciate sila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page