top of page

Kahit na magkalayo ang edad... YASSER, INLAB KAY CLAUDINE

  • Writer:  BULGAR
    BULGAR
  • Apr 29, 2024
  • 1 min read

ni Lucille Galon @Entertainment | April 29, 2024



Ibinulgar ni Yasser Marta na bet niya si Claudine Barretto nang mag-guest siya sa show na Sarap, 'Di Ba? na mapapanood sa GMA Network.


Nagsama sa Kapuso show na Lovers & Liars sina Yasser at Claudine kung saan sila nagsimulang maging close.


Tanong ng host ng Sarap 'Di Ba? na si Liezel Lopez, "Mula nang magkasama kayo sa isang soap, madalas kayong nakikita ni Ms. Claudine Barretto off-cam. On a scale of 1 to 10, gaano mo ire-rate ang level ng closeness/ intimacy ninyo ni Ms. Claudine Barretto?"


Sagot ni Yasser, "Sa closeness namin ni Ms. Clau, 10 talaga.


"Sobrang naging close kami noong ginagawa namin 'yung Lovers & Liars. Pati 'yung mga anak niya, naging mga kaibigan ko rin talaga," dagdag nito.


Diretsang tanong naman kay Yasser ay kung may feelings ito sa aktres.


Ani Yasser, "I am going to be honest. Ako naman, 'yung naramdaman ko at that moment, naging totoo ako. Gusto ko naman talaga si Claudine."


Paliwanag ni Yasser ay madaling magugustuhan si Claudine ng kahit na sinong lalaki dahil sa mga katangian nito.


Sey niya, "Kahit sino namang lalaki, magugustuhan pa rin po siya. Bukod sa mabait, napakalambing, napakabuti ng puso niya. Single naman po ako, I guess siya rin. Siguro, na-develop na lang din po ako."


Ano kaya ang reaksiyon ni Claudine at ng pamilya niya sa pag-aming ito ni Yasser? Hindi kaya maging issue kung saka-sakali na malayo ang edad ni Yasser na 27 sa 44-year-old namang aktres? Is the feeling mutual kaya? Abangan natin!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page