top of page
Search
  • BULGAR

Kahit bawal ang X-mas party, kaliwa’t kanang inuman ‘di mapigilan, tsk-tsk-tsk!

@Editorial | November 28, 2020



Opisyal nang ipinagbawal ng mga alkalde sa Metro Manila ang pagsasagawa ng tradisyunal na Christmas caroling ngayong holiday season. Ito ay upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.


Kaugnay nito, naglabas na ng executive order na walang pahihintulutang physical caroling ganundin ang pagsasagawa ng Christmas party sa mga tanggapan ng gobyerno.


Dini-discourage rin ang pribadong sektor na magdaos ng nakagisnang okasyon, lalo pa’t 10 katao lamang ang pinapayagang magtipun-tipon sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ).


Bubuo rin umano ng mga task force na tututok sa “no-caroling policy” at makikipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay na bantayan ang sinumang magtatangkang mangaroling sa kani-kanilang lugar.


Ang problema, mismong mga magulang ang hindi kayang awatin ang mga anak na pakalat-kalat sa kalsada para mamasko.


Ganundin ang kaliwa’t kanang inuman session — dikit-dikit, iisa ang tagayan, party-party! Para bang wala nang virus sa paligid.


Kaya hamon sa mga alkalde itong kautusan na pagbabawal sa caroling at Christmas party lalo na kung pati mga kapwa nila opisyal at kawani ng gobyerno ang pasimuno sa paglabag sa batas.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page