Kahero, tiklo sa shabu
@Balitang Probinsiya | April 28, 2023
OZAMIZ CITY—Isang kahero ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Banadero, sa lungsod na ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Napag-alaman na naaresto ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, nakumpiska sa suspek ang isang pakete ng shabu at markadong pera.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments