Kagawad, timbog sa shabu
@Balitang Probinsiya | Pebrero 8, 2024
PANGASINAN -- Isang 35-anyos na barangay kagawad ang dinakip ng mga otoridad nang makumpiskahan ng umano’y shabu kamakalawa sa bayan ng Agno sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga operatiba.
Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang mga otoridad na nagbebenta ng umano’y shabu ang suspek kaya naglunsad ng buy-bust operation ang mga operatiba na naging dahilan kaya nahuli ang kagawad na drug pusher.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga otoridad ng limang gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng pulisya at sa ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments