Kagawad, tiklo sa drug den

@Balitang Probinsiya | February 12, 2021
ALBAY—Isang kagawad at tatlong iba pa ang nadakip sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa drug den kamakalawa sa Bgy. 57-Dapdap, Legazpi City.
Kinilala ang mga suspek na sina Kagawad Alex Aguallo, Bienvenido Dawal, Jojo Ala at Allan Serrano, pawang nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na nagsagawa ng sorpresang pagsalakay ang pulisya sa nasabing drug den at dito nadakip sina Aguallo, Dawal, Ala at Serrano, pero nakatakas ang magpinsang Dennis at Resty Bahoy.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang sachets ng shabu at drug paraphernalia sa naturang lugar.
Pinaghahanap na ng pulisya ang magpinsang Bahoy, samantalang sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang apat na nadakip na suspek.



Comments