Kagawad tiklo sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | Enero 11, 2023
LAGUNA—Isang kagawad na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Maracta, Lumban.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Kagawad Romeo del Valle, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, si Del Valle ay nadakip sa isinagawang buy-bust operation sa naturang lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng apat na pakete ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments