top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kagawad, tiklo sa boga at mga bala

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 10, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 10, 2021



ILOCOS SUR—Inaresto ang isang kagawad nang makumpiskahan ng baril at mga bala sa loob ng videoke bar kamakalawa sa Bgy. Poblacion, San Vicente.


Ang suspek ay nakilalang si Kagawad Henrick Ragasa, residente ng Bgy. San Sebastian sa nasabing bayan.


Nabatid na nagsagawa ng “Oplan-Bakal” ang mga awtoridad sa bar at dito nakumpiskahan ng baril at mga bala si Ragasa.


Hindi naman nanlaban at kusang sumama sa mga awtoridad ang suspek nang dakpin siya.


Nakapiit na si Ragasa na nahaharap sa mga kaukulang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page