Kagawad, tiklo sa baril
@Balitang Probinsiya | July 1, 2023
CAPIZ -- Isang barangay kagawad ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiskahan ng tatlong baril at mga bala kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. San Nicolas, Pilar sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Kagawad Rolly Morenes, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, may natanggap na impormasyon ang pulisya na may mga baril ang suspek kaya sinalakay nila ang bahay nito. Sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte, nakumpiska ang dalawang shotgun, isang kalibre .45 pistola at mga bala.
Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad nang dakpin ito sa loob ng kanyang bahay.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong 3 counts ng illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments