Kagawad na tulak, tiklo sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | September 25, 2023
QUEZON -- Isang kagawad na drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Cabulihan, Pitogo sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Kagawad Cezar Generale, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, si Generale ay nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad sa naturang lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang pakete ng hinihinalang shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments