Kagawad na tulak, nasakote
@Balitang Probinsiya | May 18, 2023
ILOILO—Isang kagawad na drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Talokgangan, Banate sa lalawigang ito.
Ang nadakip na suspek ay nakilalang si Kagawad Rodolf Baldemor, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na nadakip ang suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing barangay.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng anim na sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments