Kagawad na tulak, huli sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | January 28, 2021
PAMPANGA—Isang kagawad na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. San Roque, San Luis.
Ang suspek ay nakilalang si Kagawad William Parungo, residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, ilang operatiba ang nagpanggap na buyer ng shabu at nang pagbentahan sila ng droga ni Parungo ay dito na inaresto ng pulisya ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng pitong sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Patungo.
Nakapiit na si Parungo na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments