Kagawad na pusher, timbog
@Balitang Probinsiya | November 16, 2021
CAPIZ—Isang kagawad na drug pusher ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Rizal, Pontevedra.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Kagawad Arnel Bermejo, 25-anyos at nakatira sa naturang barangay.
Napag-alamang naaresto ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing lugar.
Nakakumpiska ang mga operatiba ng pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments