@Balitang Probinsiya | April 18, 2021
NUEVA ECIJA—Isang kagawad ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. District 6, Cuyapo.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Sonny Bacorta, residente ng Bgy. Bulala sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, naaresto si Bacorta sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang operatiba ng sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.